21

Apr 18, 2020 @ 12:52
By

DOLE dinagsa ng aplikante, nagpasaklolo sa DOF

Dinagsa ng mga aplikante o formal worker ang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Dahil dito ay agad na nakipag-ugnayan si DOLE Sec. Silvestre Bello III sa Department of Finance (DOF) upang saluhin din sila.

Ayon kay Silvestre, pumalo sa halos isang milyong health workers ang nag-apply sa kanilang one-time cash assistance na aniya’y hindi kaagad maasistehan lahat sa sobrang dami.

“Yun namang mga nag-submit kasi marami eh, more than a million ang nag-submit sa amin na formal workers pero beyond ng budget namin kaya i-endorse na namin ito kay Sec. [Carlos] Dominguez tutal meron naman siyang programa,” paliwanag ni Bello sa Laging Handa Press Briefing.

“Ngayon I understand Sec. Dominguez are conceptualizing another mode, another program to absorb yung mga hindi namin ma-accommodate kasi as of April 15, hininto na namin yung application and nililimit na lang namin yung pagbabayad namin doon sa mga naapektuhan na na-approve namin na 321,000 [workers],” paglilinaw nito

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?