4

Oct 30, 2020 @ 18:07
By

DOLE: Bilang ng Pinoy seaman tumaas kahit may pandemya

Mas mataas ang numero ng mga marinong Pinoy nitong Setyembre kumpara sa parehong buwan noong 2019, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito’y kahit pa nakaranas ng COVID-19 pandemic ang buong mundo.

Sa datos ng DOLE, 46,049 na seaman ang naglayag nitong September 2020, 12 percent ang tinaas sa 41,179 noong September 2019.

“Ang ibig sabihin po nito ay sumisiglang muli ang ating pag-deploy hindi lang ho sa cargo, sa oil, to a certain extent, even the cruise line ay sumisiglang muli,” ayon kay DOLE Undersecretary Joji Aragon.

Aniya pa, ang pagtatag ng Department of Overseas Filipino Worker ay makatutulong para sa seafaring industry.

“Ito hong Department of OFW, whichever comes first, whether magkaroon ng separate entity solely devoted to seafarers o magkaroon ng DOFW, one of the principal values and strategic intent ng batas na ito or ng entity na ito ay talagang palakasin ang seafarers,” lahad ni Aragon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?