16

Aug 5, 2021 @ 17:30
By

DOLE: Bawal sibakin ang hindi bakunado

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi maaaring tanggalin sa trabaho ang isang indibiduwal dahil lamang sa hindi pa nabakunahan laban sa coronavirus.

“Any employee who chooses not to get vaccinated or fails to get vaccinated shall not be discriminated against in terms of employment,” saad ng DOLE sa inilabas na pahayag nitong Huwebes.

Dagdag doon, hindi rin dapat gawing requirement ang vaccine card sa trabaho.

Sabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, puwedeng hikayatin ng mga employer ang kanilang manggagawa na magpabakuna ngunit “hindi ito magiging dahilan para sila ay tanggalin sa mga kompanya na pinapasukan o pinagtatrabahuhan.”

May natanggap umano kasi siyang mga report tungkol sa mga empleyado na tinatanggal sa trabaho dahil hindi pa bakunado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?