40

Dokumento para sa umento ng gov’t workers, pinasusumite kay Diokno

Hinimok ni House Majority Leader Rolando Andaya si Pangulong Rodrigo Duterte na paalalahanan si Budget Secretary Benjamin Diokno na isumite ang lahat nang kinakailangang mga dokumento para sa release ng umento sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno ngayong taon.

Ginawa ni Andaya ang pahayag matapos pagbantaan din si Diokno na kakasuhan kung mabibigo ang Department of Budget and Management na ipatupad ang dagdag sa sahod ng mga taga-gobyerno sa Enero 15.

“Secretary Diokno will be doing the country a great disservice if he fails to submit these documents to the President on time,” sabi ni Andaya.

“The President needs to sign the pertinent documents in order to effect the releases by January 15,” dagdag ng kongresista.

Ayon kay Andaya, ang mga dokumentong ito ay kapareho ng mga pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon para sa first tranche ng salary increases para sa uniformed personnel.

“The President may end up being blamed as the fall guy for the non-release as Secretary Diokno will simply say the President has not authorized the fund releases,” ani Andaya.

Una nang sinabi ng House leader na hindi dapat makaapekto sa release ng umento ang pagkaantala ng pag-apruba sa 2019 budget.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?