241

Mar 21, 2020 @ 11:38
By

Doktorang buntis tinamaan ng Covid

Walang pinipili ang Covid-19 dahil maging ang doktora na abala sa panggagamot sa mga apektado ngayon ng coronavirus ay tinarget at nakapitan ng nasabing sakit.

Ang masakit, kasalukuyang buntis ang nasabing doktora.
Sa kabila aniya ng pag-iingat nitong madapuan ng virus ay nadale pa rin ito.

March 14 nang isailalim sa PUI o person under investigation ang nasabing doktora.

Ang labis nitong ikinatatakot ngayon ay ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan at ang 3-anyos pa lamang nitong supling na panay ang iyak dahil gusto siyang makapiling ngunit di nito magawang lapitan sa takot ding mahawaan ito dahil siya ngayon ay naka-quarantine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?