11

Oct 5, 2020 @ 23:18

Doktora, kasambahay todas sa sunog sa Cebu

Nasawi ang dalawang matanda matapos ma-trap sa nasunog nilang bahay sa Cebu.

Ayon sa ulat, isang residential area ang nilamon ng apoy sa J. Alcantara Street, Barangay Sambag 1.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bandang alas-11:38 ng gabi.

Nakita ng mga bumbero ang wala nang buhay na si Dr. Glenda Mayol-Neri, 80; at kasambahay na si Francisca Epel Fomentera, 71, sa isang kuwarto na nasa ikalawang palapag ng bahay.

Alas-12:10 ng hatinggabi dineklarang fire out ang sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?