12

Sep 21, 2020 @ 22:15
By

‘Doktor’ Vico Sotto pinusuan ng mga netizen

Bagay daw maging doktor si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Iyon halos ang karamihan ng reaksyon ng mga follower ni Sotto matapos niyang magsuot ng hospital scrubs.

Nagbiro pa ang alkalde na pangarap niya noon pa na maging doktor.

“I’ve always wanted to become a doctor… (ever since our Covid Referral Facility doctors gave me my own pair of scrubs. Thanks docs! As promised, suot ko siya kaninang Monday Morning Updates natin,” caption ni Sotto sa Instagram post.

Ilang netizen ang nagbiro rin na kung si Sotto ang doktor ay magpapa-confine sila kaagad.

angeline.mabutas: “Kung ikaw Mayor ang magiging doctor ko, magpapa-confine ako agad Saang ospital ba?”

klarisserrano: “Grabe po Mayorrr bagayyy.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?