43

Jun 9, 2021 @ 19:30
By

Doktor, utol natangayan ng P1.6M ng kasambahay

Nasa P1.6 milyong halaga ng alahas ang nakulimbat ng isang bagong kasambahay sa amo niyang pulmonologist at kapatid nito sa Barangay Veterans Village, Quezon City.

Ayon sa ulat, nadiskubre ni Dr. Virginia delos Reyes, 52-anyos, na natangay ng kanyang kasambahay na si Annalyn Montemayor Tiglao, 33, ang mga alahas niyang may kabuuang halagang P100,000 noong Lunes, June 7.

Kalaunan ay sinabi rin ng kapatid niyang nawalan ito ng mga alahas na P1.5 milyon ang halaga.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Masambong Police Station para matunton ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?