116

By

Doktor sinipsip ang ihi palabas sa pantog ng pasyente sa gitna ng flight

Humanap ng paraan ang dalawang Chinese doctor para maisalba ang buhay ng isang lalaking may problema sa prostate sa gitna ng flight patungong New York.

Ayon sa Dail Mail Online, nag-assemble sina Zhang Hong at Xiao Zhanxiang ng straws, isang syringe needle at tubing na mula sa oxygen mask para sa life-saving emergency procedure sa gitna ng flight.

Pawis na pawis daw ang isang pasaherong lalaki dahil sa sakit na nararamdaman sa malaki niyang tiyan.

Nadiskubre ng dalawang doktor na may isang litro na ng ihi ang na-trap sa pantog nito at may sakit itong enlarged prostate.

Sinubukan nilang butasan ang pantog para lumabas ang ihi mula rito gamit ang in-assemble nila kabilang na ang straws mula sa mga milk box.

Pinahiga sa lapag na may blankets ang lalaki para gawin ang emergency procedure sa kanya.

Itinusok ang karayom para lumabas ang ihi pero hindi ito kalakihan masyado para kusang lumabas ang urine.

Kaya hindi na nagdalawang-isip si Zhang at siya mismo ay sinipsip niya palabas ang ihi na mabisang paraan aniya para makontrol ang flow.

“It was an emergency situation. I couldn’t figure out another way. When I saw that the man could hardly bear the pain any more, my only thought was how to get the urine out of his bladder,” paliwanag ni Zhang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?