558

By

Doktor pinagbabaril sa Laguna, dedbol

Isang doktor na vice president umano ng isang pribadong ospital sa Laguna ang itinumba kahapon, Pebrero 14.

Ayon sa inisyal na ulat, paalis na sana ng Global Care Medical Center si Dr. Roderick Mujer sa Barangay Maitim nang barilin ito dakong alas-singko ng hapon.

Sa report ng Inquirer, sakay umano si Mujer ng kanyang SUV sa harapan ng nabanggit na ospital nang pagbabarilin ng nag-iisang gunman na naglakad lang.

Kinailangan umanong itakbo sa HealthServ Medical Center sa Los Baños si Mujer dahil hindi pa kumpleto sa mga aparato para sa operasyon ang Global hospital.

Pero sa kasawiang-palad ay namatay ang doktor habang dinadala sa ospital dahil sa tinamo nitong maraming tama ng bala.

Isa umano sa tinitingnang anggulo sa krimen ay business rivalry dahil maraming taon umanong nagtrabaho ang biktima sa isa pang pribadong ospital na nasa Calamba City bago ito lumipat sa Global hospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?