79

Nov 25, 2021 @ 13:29
By

Doktor: Pagkain ng ebak ng baka, may health benefits

Isang doktor mula sa Karnal, India, ang nagsasabing may health benefits ang pagkain ng dumi ng baka, kung saan isa na umano dito ang pagkakaroon ng mas maayos na panganganak para sa mga buntis.

Ayon sa ulat ng The Mirror, ang doktor na si Manoj Mittal ay naniniwalang ang pagkain ng dumi ng baka ay maaaring makatulong na maiwasan ang cesarean delivery at nakakatulong din sa paglaban sa mga sakit.

Bilang patunay pa sa kanyang mga sinasabi ay may video pa ito kung saan dumampot siya ng dumi ng baka at kinain ito.

“See, if we eat cow dung, then our body and mind become pure,” aniya. “By eating cow dung, it removes impurities from our body.”

Kwento pa ni Mittal, ang pagkain ng dumi ng baka ay ginagawa ng buo niyang pamilya.

“We are nine siblings, and we have been eating dung. My mother also consumes it from time to time, and she had given all of us birth via normal deliveries.”

Matatandaang sa kasagsagan ng COVID pandemic ay nauso rin ang pagligo gamit ang dumi ng baka sa India sa paniniwalang proteksyon ito laban sa virus, bagay na kinontra ng mga eksperto. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?