50

Jan 7, 2022 @ 14:44
By

Doktor may palibreng check-up, viral!

Isang doktor ang hinangaan ng mga netizen dahil nag-aalok siya ng libreng check-up sa mga walang pambayad o malayo sa manggagamot.

“Announcement to all!! I, Mikko J. Gamalo, MD will be offering my services to people who are in need. I am a GENERAL PHYSICIAN and I want to help those who can’t even afford a check up from a doctor or malayo sa doctor!” aniya sa Facebook post.

Saad niya, binigyan silang mga doktor ng Diyos ng biyaya para tulungan ang iba.

“This has been my childhood dream!” sambit pa ni Doc Mikko.

Sa mga gustong pakonsulta, maaari aniyang kontakin si Doc Mikko kapag office hours sa mga sumusunod na cellphone number:

GLOBE – 09455224856

SMART – 09682410908

“Online/Call Consultation Hours: 10 am to 3 pm (M,W,F). Pagkatapos po o kapag hindi po consultation hours ay kinailangan ko po munang i-off ang aking cellphone. Pasensya na po at medyo marami ang tumatawag pwede po kayong mag pm nlang sa fb para po sa patients na kailangan po ng picture like, rashes, pigsa, etc,” sabi pa ni Doc Mikko.


Habang sinusulat ito, mayroon nang 66K reactions at 29K shares ang kanyang post. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?