108

Oct 11, 2017 @ 17:32

Doktor, ex-cops timbog sa buy-bust

Pitong tulak ng iligal na droga ang natimbog, kabilang ang isang dtoktor at dalawang dating pulis sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Galas Police Station ng Quezon City Police District (QCDP), kahapon ng madaling araw, sa  Barangay Damayang Lagi, sa lungsod.

Iniharap ni  QCPD Director, Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang mga suspek na nakilalang si Dr. Amante Ramos Valdepenas, 56 –anyos ng No. 25 Q. Capitol Tower, Brgy. Damayang Lagi, QC.

Kabilang sa nadakip ang dalawang retiradong pulis na si Rommel Manalo Nogoy , 52 –anyos at Almario Cristobal, 53 –anyos; kapwa residente ng  Bayanihan St., Brgy. Boni Serrano, sa nasabi ring lungsod.

Sa imbestigasyon ng Galas Police Station 11, dakong alas – 12:30 ng madaling araw, unang nasukol ng mga operatiba sa isinagawang buy – bust sa Lapiligan St., Brgy.  Dona Imelda ang mag live-in partner na sina Mark Anthony Pangilinan, 25 -anyos at Maybel Tulang, 19 –anyos; kapwa residente ng Brgy. Damayang Lagi, QC.

Sa himpilan ng pulisya, itinuga ng mag live –in ang pinagkukunan nila ng shabu pati ang mga kasabwat ng mga ito kaya agad nagkasa ng buy – bust operation bandang  alas – 2:00 ng madaling araw laban sa mga suspek.

Si Dr. Valdepena at ang dalawang nabanggit na pulis, kasama ang dalawa pang tulak ng droga ay naaresto sa  Quezon Avenue, kanto ng ng  Scout Borromeo.

Nabatid na itinatanggi pa ng doktor at mga pulis na sila ang pinagkukunan ng iligal na droga, subalit habang inihaharap sa media ni Eleazar, ay tumunog ang cellphone ng isa sa mga nadakip at nang basahin ang text ay nakasaad doon na isang pusher ang umuorder ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.

Nasamsam sa mga suspek ng mga operatiba sa pamumuno ni Police Chief Inspector Erwin Guevara ang dalawang plastic sachet ng shabu, drug paraphernalias at P500 marked  money.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng QCPD ang mga suspek habang inihahanda ang kasong  paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Drug Act of 2002. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?