175

Dec 2, 2021 @ 18:29
By

Doktor butas leeg sa tandem

Pinagbabaril ang isang doktor sa Cagayan de Oro City nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si Dr. Raul Winston Andutan, medical director ng Maria Reyna Xavier University Hospital (MRXUH), at espesyalista umano ng surgery at urology.

Tatlong tama ng bala ang tinamo ng doktor, isa ay sa leeg.

Patungo umano sana si Dr. Andutan sa MRXUH galing sa kanyang bahay sa Barangay Macasandig nang tambangan sa kanto ng 12th at 29th Street sa Barangay Nazareth.

Nag-iisa lang umano si Dr. Andutan sa minamanehong Toyota Fortuner nang mangyari ang krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?