26

By

DOJ tinapik sa pagpili ng ikatlong telco

Sharing is caring!

Aayuda ang Department of Justice (DOJ) sa proseso ng pagpili ng ikatlong telecommunications company (telco) sa bansa.

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, tututol ang partisipasyon ng DOJ sa pagbusisi ng terms of reference para sa pagpili ng third telco.

“DOJ’s participation, I believe, will be to review the terms of reference for the selection of the third telco, the contracts to be executed, the grants of licenses and permits, etc. to ensure compliance with all applicable laws, rules and regulations,” saad ni Guevarra.

Kinumpirma rin ni Guevarra na hiningi ng National Telecommunications Company (NTC) ang ligal na tulong mula sa DOJ, “The NTC has referred something about the grant of CPCN (Certificate of Public Convenience and Necessity) to the third telco for legal opinion.”

Ang CPCN ay permit na iniisyu ng isang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa mga public facility.

Sa pamamagitan ng nasabing certificate, nabibigyan ng kapangyarihan ang may-hawak nito na mag-operate bilang public facility sa isang lugar.

Aniya, kakausapin din ng DOJ ang Office of the Solicitor General tungkol sa isyu.

Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maisapinal ngayong buwang ito ang terms of reference para sa proseso ng pagpili ng ikatlong telco.

Nais din ng DICT na maisagawa na ang bidding para sa bagong telco sa Oktubre ng taong ito.

Ilan sa mga kompanyang naghayag na ng interes na magsumite ng bid para sa proyekto ay ang Philippine Telegraph and Telephone Co., Now Corporation, Converge ICT Solutions, TransPacific Broadband Group International Inc. at Easy Call Communications Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?