129
Abante-TnT-Menardo-GuevarraAbante-TnT-Menardo-Guevarra
By

DOJ: Tanggal-scholarships sa mga ‘anti-government student’ labag sa batas

Ang pag-aalis umano sa scholarships na ibinigay sa mga estudyante dahil sa pagsali sa “anti-government rally” ay paglabag sa karapatang maghayag ng saloobin.

Ito ang pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra kaugnay sa suhestiyon ni National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema na dapat alisan umano ng scholarships ang mga estudyanteng “anti-government”.

“With all due respect, such a proposal, if adopted would effectively restrain the youth’s constitutional right to freedom of speech and expression,” saad ni Guevarra.

Dagdag pa ng kalihim, dapat pa nga umanong maging proud ang mga state universities and colleges sa kanilang mga estudyante na nakikilahok at naghahayag ng kanilang pananaw sa mga isyu sa bansa.

Sa kanyang pahayag sinabi ni Cardema na ang mga “anti-government” student ay yaong nauugnay sa makakaliwang grupo gaya ng New People’s Army.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?