47

Jan 5, 2019 @ 16:11

DOJ sinigurong hindi makalalabas ng Pinas si Mayor Baldo

Siniguro ng Department of Justice (DOJ) na tutuparin nila ang hiling ng Philippine National Police (PNP) na siguruhing hindi makalalabas ng bansa si Daraga Mayor Carlwyn Baldo matapos itong kilalaning mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, natanggap na ng DOJ ang request ng PNP sa pag-iisyu ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Mayor Baldo.

Matatandaang idineklara ng Supreme Court na unconstitutional sa DOJ na mag-isyu ng ILBOs.

Sa halip ay naglabas ang SC ng rules sa pag-iisyu ng Precautionary Hold Departure Orders (PHDO).

Ayon sa SC, ang PHDO ay isang kautusan na inisyu ng korte na nag-aatas sa Bureau of Immigration na pigilan ang anumang tangka ng suspek sa isang krimen na makalabas ng bansa. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?