17

Jun 30, 2020 @ 14:26
By

DOJ Secretary Guevarra nominado bilang SC Associate Justice

Nominado si Justice Secretary Menardo Guevarra para maging Associate Justice sa bakanteng posisyon sa Supreme Court (SC).

Sa ipinadalang liham sa Judicial and Bar Council (JBC) ni retired Sandiganbayan Associate Justice Raoul V. Victorino na may petsang Hunyo 22 pero noong Lunes lamang inilabas sa media inilarawan nito si Guevarra bilang “man of justice”.

“I have known Secretary Guevarra to be a person of proven competence, integrity, probity and independence, and his sense of patriotism through his socio-civic engagements. I believe that he possesses the necessary credentials, professional experience, and the motivation to discharge the duties as an Associate Justice of the Supreme Court,” ayon kay Victorino.

Nabatid na isang upuan ang nabakante sa SC matapos ang mandarory retirement ni Associate Justice Jose Reyes noong Setyembre 18,2019.

Bagi naging kalihim ng DOJ si Guevarra nagsilbi ito bilang Deputy Executive Secretary for Legal Affairs (Desla) sa Office of the President.

Naging oversight representative ng Office of the Executive Secretary sa iba’t ibang National Economic and Development Authority cabinet-level committees.

Si Guevarra ay isa accredited arbitrator ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, at miyembro ng Philippine legal team sa West Philippine Sea arbitration case sa Permanent Court of Arbitration.
Guevarra.

Nagtapos din siya sa Ateneo School of Law at second place sa 1985 Bar examination.

Una nang tinanggihan ni Guevarra ang lanyang nominasyon sa SC noong Nobyembre 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?