350
Abante-TnT-Menardo-GuevarraAbante-TnT-Menardo-Guevarra

DOJ Sec. Guevarra kay Alejano: Ikaw ang nang-iimpluwensiya kay Judge Soriano!

Sharing is caring!

Bumuwelta si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra matapos sabihin ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na pine-pressure umano ng kagawaran si Makati Regional Trial Court Branch 148 Judge Andres Soriano para maipakulong si Senador Antonio Trillanes IV.

Sa naging tugon ni Guevarra, sinabi niya na hindi umano nakikipag-ugnayan ang kanyang ahensya sa hukom, maliban sa mga bagay na tungkol sa mga pleading at argumento na naihain na sa open court.

Kung may naglalagay umano ng pressure kay Soriano, ito ay walang iba kundi si Alejano mismo.

“Rep Alejano’s allegations tend to impede the orderly administration of justice, unfairly cast aspersion on the integrity and professionalism of the Department of Justice and its state prosecutor, and contumaciously influence Judge Soriano’s decision-making process,” parte ng statement ni Guevarra.

Matatandaan na sa isang press forum sa Quezon City, sinabi ni Alejano na may nambabraso umano kay Soriano para maipiit si Trillanes, na sinabing katulad umano ng nangyari kay Makati RTC judge Branch 150 Elmo Alameda na naghain ng arrest warrant kay Trillanes noong nakaraang buwan.

“May mga information na tayo na matindi talaga pressure sa kanya just like what happened to Alameda so matindi ang pressure diyan,” pakli ni Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?