105

Aug 29, 2019 @ 12:40
By

DOJ Sec Guevarra halili sa trabaho ni Duterte

Tinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra bilang officer-in-charge ng bansa habang ito ay nasa China.

Batay sa Special Order no. 916, magiging epektibo ang pagiging OIC ni Guevarra mula August 28 hanggang September 1, 2019.

Layunin nito na magtuloy-tuloy ang pang-araw araw na operasyon ng Ehekutibo at pangkalahatang pangasiwaan ang Executive Department.

“DOJ secretary Menardo Guevarra shall act as Officer-in-Charge to take care of the day-to-day operations and general administration of the Executive Department, and he shall, if necessary, act for and on behalf of the President , except on matters that the President is required by the Constitution to act in person, during the time that the President is outside the Republic of the Philippines from 28 August to 01 September 2019,” ang nakasaad sa special order 916.

Inaatasan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na alalayan si Secretary Guevarra sa pagtugon sa kanyang gampanin para sa maayos na mapangasiwaan ang ehekutibo habang nasa working visit sa China ang Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?