13

Jul 25, 2020 @ 16:23
By

DOJ: Pagbawal sa rally, depende sa sitwasyon

Kinikilala ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang karapatan ng publiko na magprotesta laban sa gobyerno, ngunit aniya’y maaring magbigay ng mga regulasyon ang awtoridad kung ito’y usapin na ng public health at safety.

“The right of the people to peacefully assemble for the redress of grievances is a fundamental right protected by the constitution. its lawful exercise, however, such as with respect to the time and place where it may be carried out, is subject to reasonable regulation by the authorities in the interest of public order, health, and safety,” ayon sa pahayag ng kalihim.

“I cannot substitute my judgment for theirs, but a blanket and absolute prohibition of peaceful assemblies, unless necessitated by paramount considerations of public order, health, and safety, runs counter to the constitutional right of the people to peaceably assemble for the redress of grievances,” aniya pa.

Ito’y matapos na igiit ng Department of Interior and Local Government ang pagbabawal sa mass gathering ilang araw bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito’y pinatigil ng Quezon City local government ang kanilang pamimigay ng permit sa mga rally na gaganapin sa Commonwealth Avenue.

Nakaugalian na ng mga activist group ang pagsagawa ng rally sa taunang ulat sa bayan ng Pangulo, ngunit ngayong taon ay kakaiba dahil sa pagbabawal dulot ng COVID-19 pandemic.

Samantala, ilang grupo tulad ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Bagong Alyansang Makabayan ang handang magprotesta pa rin sa kabila ng pagbabawal ng awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?