35

Jan 6, 2021 @ 13:05
By

DOJ, NBI pag-uusapan Dacera case

Sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, tatalakayin niya at ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw ang kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera noong Bagong Taon.

“I’ll take up the Dacera case with the NBI today,” wika ng kalihim sa mga reporter, Enero 6.

Unang sinabi ni Guevarra na hahayaan niya ang Philippine National Police (PNP) na umasikaso sa kaso.

Sa unang araw ng 2021, natagpuang walang malay si Dacera, 23, sa bathtub ng isang Makati hotel room. Nag-check-in siya para ipagdiwang ang New Year kasama ang kanyang mga kaibigan at katrabaho.

Ang napaulat na sanhi ng kanyang pagpanaw ay “ruptured aortic aneurysm.” Pero hindi naniniwala ang pamilya Dacera na nasawi ang flight attendant dahil sa natural na mga sanhi kaya nagsagawa sila ng hiwalay na autopsy at medico legal exam.

Nahuli na ang tatlong suspek habang pinaghahanap at pinasusuko na ang siyam pang lalaki.

Pawang kinasuhan sila ng rape with homicide. Ang basehan ng kaso, ani Makati City Police Chief Col. Harold Depositar, ay dahil nakitaan ng lacerations at semilya ang ari ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?