66
Iloilo, Nueva Ecija pasok sa MPBL
Nov 14, 2019 @ 9:29
By

DOJ-NBI aasikaso sa mga game fixer

Nasa kamay na ng Department of Justice (DOJ) at nasa ilalim nitong National Bureau of Investigation (NBI) ang pagparusa sa mga game fixer sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims.

Ito ang pinahayag ni Atty. Eldibrando Viernesto, ang legal counsel ni Sen. Emmanuel Pacquiao, ang founder ng liga tapos sampahan ni league commissioner Kenneth Duremdes ng kaso ang 21 mga suspek nitong Martes.

Nangunguna sa mga dinemeanda ang mga Chinese national na nagngangalang ‘Mr. Sung’, ‘Kein’ at ‘Emma’.

Ani Viernesto, ginagawa ng mga suspek ang pagbebenta sa mga laro sa liga sa pakikipagsabwatan sa mga sindikato upang masunod ang gusto nilang resulta ng bawat laro.

“Marami kasing mga betting stations sa sports, may mga ads iyan, may scoring over under. So ang gagawin ng grupong ito, tataya sila sa mga over under o kung ano mang score ang tatayaan nila, tapos kokontrolin nila ang scores ng mga team,” hirit ni Viernesto.

“Ang gagawin nila ay maaring bayaran nila ang mga coaching staffs o mga player at ididikta ang dapat na score lang ng team ninyo para masunod ang kanilang bet at manalo,” hirit niya.

Pinanapos niyang pahayag na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng DOJ-NBI ang insidente kaya nakikipagtulungan ang liga, ‘di lang para maparusahan ang mga sangkot, kundi upang malinis din ang pangalan ng mga walang sala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?