58

Sep 17, 2019 @ 14:50

DOJ nagtalaga ng bagong deputy spokesperson

Para alalayan at gabayan si spokesman at Undersecretary Markk Perete, nagtalaga ang Department of Justice (DOJ) ng bagong deputy spokesperson.

Sa Department Order No. 491 na inisyu ni Justice Secretary Menardo Guevarra, inatasan ng kalihim si Bainto na i-assist si Perete sa anumang isyu na may kaugnayan sa kagawaran ng hustisya.

Responsibilidad din ni Bainto na punan ang posisyon ni Perete sa sandaling mag take leave o lumiban ito ng trabaho.

“Assistant Secretary Neal Vincent M. Bainto has been appointed DOJ Deputy Spokesperson,” ani Perete.

“The foregoing tasks shall be in addition to the current duties and responsibilities of Assistant Secretary Bainto,” ayon naman kay Guevarra.

“This Department Order shall take effect immediately, and remain effective until otherwise revoked,” he added.

Si Bainto at Perete ay kapwa naitalaga sa DOJ nitong Hulyo 2018.

Si Bainto ay senior associate ng Villaraza and Angangco Law Offices, at nagtapos ito ng juris doctor degree mula sa Ateneo de Manila at recipient din ng Evelio Javier Leadership Award noong 2012.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?