54

By

DOJ nagsumite na ng resolusyon sa sedition laban kay Robredo, 35 pa

Tinapos na ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang paunang imbestigasyon hinggil sa sedition complaint na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Vice President Leni Robredo at 35 na iba pa.

Nitong Huwebes, Setyembre 12, isinumite na ng panel ang resolusyon sa kaso, kabilang ang huling kontra-salaysay na isinumite ng ilang respondents na sina Gary Alejano at Jonnell Sangalang.

Sa preliminary investigation noong Setyembre 6, sinabi ni panel member at Assistant State Prosecutor Gino Paolo Santiago na hindi na mag-e-entertain ang panel ng submission ng counter-affidavits matapos ang Setyembre 6.

Subalit, sa lahat ng respondents, tanging si detained Senator Leila De Lima at human rights lawyer Jose Manuel “Chel” Diokno ang pinayagan na magsumite ng kanilang counter-affidavits noong Setyembre 9, maging si Danilo Songco nitong Setyembre 11.

Ang DOJ panel of prosecutors, na pinamumunuan ni Senior Assistant State Prosecutor Olivia Torrevillas, ay binigyan ng 60 araw para makumpleto ang preliminary hearing.

Ang reklamong inihain ng PNP-CIDG ay batay sa testimonya ng witness/respondent na si Peter Joemel Advincula.

Si Advincula ay ang self-claimed “Bikoy” sa viral na “Ang Totoong Narcolist Videos,” kung saan sangkot umano ang mga respondents sa kaso tulad nina dating senador Antonio Trillanes at Fr. Albert Alejo S.J.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?