49

By

DOJ: Mga preso natatakot na sa kontrobersiya sa BuCor

May mga preso na nakapiit sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ang napaulat na natakot sa mga kontrobersiyang bumabalot ngayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ito ang inihayag ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Deo Marco.

Bukod aniya sa isyu ng korapsyon sa pagpapalaya ng high profile convicts sa bisa ng good conduct time allowance (GCTA), ikinaalarma rin ng ahensya ang bilang ng corrections officers na pinaslang noong nagdaang taon.

“We are alarmed. The DOJ is afraid because there are reports that inmates are now agitated. That’s why we have to put an end to all these issues,” ayon kay Marco.

“Not only the GCTA, but everything that has been happening involving BuCor: suspensions, new director general, corruption issues, etc.,” aniya.

Nitong Agosto 27, tinambangan ng hindi nakilalang gunman si Ruperto Traya, Jr., officer ng documents section ng BuCor, sa Barangay Poblacion sa Muntinlupa.

Samantala, nito lamang Huwebes, Setyembre 12 nang umaga, isang duty officer naman ang itinakbo sa prison hospital matapos itong saksakin ng inmate na mayroon umanong mental illness.

Tiniyak naman ni Marco na mula nang magsilbi itong OIC ng BuCor, matapos sibakin si dating Dir. Gen. Nicanor Faeldon, ay wala nang isyu ang lumutang kasunod ng GCTA at hospital pass scheme sa NBP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?