16

Nov 22, 2021 @ 21:59
By

DOJ: Mga preso isabay sa National Bakuna Day

Hiniling ng Department of Justice (DOJ) sa National Task Force Against COVID-19 na isama ang mga bilanggo sa tatlong araw na vaccination drive sa bansa.

Ani Justice Secretary Menardo Guevarra, milyon-milyong dose ang available sa “Bayanihan Bakunahan” program na ikakasa mula November 29 hanggang December 1 na pagkakataon para ikonsidera rin ang kalusugan ng mga inmate.

Dagdag niya, mataas ang panganib na tamaan ng virus ang mga bilanggo dahil sa siksikan ang mga kulungan.

Sa tatlong araw na Bakuna Day, target ng gobyerno na mabakunahan ang 15 milyong Pilipino sa 16 na rehiyon sa labas ng Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?