126
DOJ, kinondena ang pagpatay sa abogado sa Tagum City
Mar 14, 2019 @ 15:06
By

DOJ, kinondena ang pagpatay sa abogado sa Tagum City

Gagawin ng Department of Justice (DOJ) ang lahat ng paraan sa ilalim ng kanilang mandato para mabigyan ng hustisya ang pagpatay sa isang abogado sa Tagum City.

“The DOJ will do everything within its power to bring the perpetrators to the bar of justice,” saad ni DOJ Secretary Menardo Guevarra.

Ayon kay Guevarra, abogado man o hindi ang biktima sa krimen, dapat pa ring panagutin ang mga salarin.

Si Atty. Rex Jasper Lopoz ay binaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa harap ng isang mall kagabi.

Naisugod pa ito sa ospital ng kanyang driver subalit idineklarang dead on arrival sa pagamutan sa Tagum.

Blangko pa ang mga awtoridad sa suspek at sa motibo ng krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?