102

By

DOJ hindi tinanggap ang leave of absence ni Faeldon

Naghain ng kanyang leave of absence si Bureau of Corrections (BuCor) Nicanor Faeldon matapos ang pagkakadakip sa kaniyang anak sa bahay ng isang drug suspect sa Naga City.

Hindi ito tinanggap ng Department of Justice kung saan pinayuhan ni Justice Sec. Menardo Guevarra si Faeldon na huwag mag-leave dahil hindi pa naman nagpapatunayan ang pagkakasangkot ng kaniyang anak sa iligal na droga.

Naaresto si Nicanor Jr., sa bahay ni Russel Lanuzo Bermudo, na tatay ng kanyang girlfriend.

Kasama ring nadakip ang apat na iba pa.

Sa kabila na hindi nakuhanan ng iligal na droga si Nicanor Jr., ayon sa Philippine National Police, ay kakasuhan pa rin ito dahil sa pagpunta sa bahay na ginagamit na drug den.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?