92
Menardo-Guevarra-
May 30, 2018 @ 13:43

DOJ chief Guevarra, kinumpirma na ng CA

Inayunan na ng Commission on Appointments (CA) nitong Miyerkoles ang pagkakatalaga kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Dumating si Executive Secretary Salvador Medialdea habang humaharap si Guevarra sa CA committee on justice.

Si Guevarra ay deputy ni Medialdea bago ito tinapik na kapalit ng nagbitiw na si DOJ secretary Vitaliano Aguirre II.

Dati ring nanungkulan bilang Deputy Executive Secretary for Legal Affairs kay dating Pangulong Benigno Aquino III si Guevarra at naging commissioner din sa Philippine Competition Commission.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?