27

By

DOJ: Check and balance mechanism, susi vs korapsyon sa BuCor

Naniniwala si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na nangangailangan ng isang mekanismo ang Bureau of Corrections (BuCor) nang sa gayon ay masolusyunan na ang korapsyon dito.

Ito sa ngayon, ayon kay Guevarra, ang pinag-aaralan na ng DOJ.

“I just felt that in any corruption-prone agency, an adequate check-and-balance mechanism should be in place. It’s a general idea that we still have to work out in terms of particulars,” ayon kay Guevarra.

Magugunitang sinabi ni Guevarra na higit na nangangailangan ng legislative review ang Republic Act 10592.

“I am beginning to think that the law itself that supposedly strengthened the BuCor and consequently diminished DOJ control over it may have to be reviewed,” aniya.

Ang RA 10592 ay naisabatas noong 2013 kasama ang revised provisions ng Revised Penal Code na nagpapahintulot ng maagang pagpapalaya ng inmates sa pamamagitan ng GCTA.

Sinabi naman ni DOJ spokesman at Undersecretary Markk Perete na ang RA 10575 ang nagbuo sa BuCor bilang line agency ng DOJ mula sa dati nitong estado na constituent bureau.

“Since its passage, DOJ can only exercise administrative supervision over the BuCor instead of control,” sabi ni Perete.

“This is also the law used by BuCor’s legal to justify its assertion that its decisions as regards the release of high profile inmates do not need notice to, much less prior approval by the SOJ,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?