16

Oct 12, 2020 @ 12:51

DOJ, BuCor binakbakan ni De Lima sa Bilibid riot

Binatikos ni Senador Leila de Lima ang pamunuan ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) kaugnay ng naganap na gang war sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kamakailan kung saan siyam na preso ang nasawi.

“Nine dead in the Bilibid riot. This is the highest number of dead in a single riot inside Bilibid that anyone can remember,” sabi ni De Lima sa kanyang ipinalabas na pahayag nitong Lunes.

Nakailang palit na rin aniya ng BuCor chief subalit walang naayos sa mga problema sa loob ng NBP.

Giit pa ng senador, lumalala ang problema sa iligal na droga at iba pang kalokihan sa NBP.

Hinamon pa nito si DOJ Secretary Menardo Guevarra kung ano ang gagawin sa gitna ng mga pangyayaring ito sa NBP na halatang hindi na umano kaya ng BuCor chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?