By

DOJ bubuo ng panel para irebyu ang pagbasura sa kaso ng mga drug lords

Sharing is caring!

Gagawa ang Department of Justice ng bagong panel na bubusisi sa resolusyon ng naunang panel na nagbasura sa kasong may kinalaman sa iligal na droga na inihain ng PNP-CIDG laban kina Peter Lim, Peter Co, Kerwin Espinosa at iba pa.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, ang panel ang hahawak ng motion for reconsideration na inihain ng PNP.

Hindi rin umano magiging bahagi ng panel si Acting Prosecutor General Jorge Catalan na nag-apruba sa rekomendasyon ng naunang panel na ibasura ang reklamo.

May pangalan na umanong naiisip si Aguirre kaugnay ng magiging komposisyon ng panel na kanya umanong ihahayag bukas.

Ang reklamo laban kay Lim ay may kinalaman sa illegal drug trade sa Visayas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?