15

By

DOJ bigyan ng buong kontrol sa BuCor – Guevarra

Kasunod ng kontrobersiya sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), nais ni Justice Secretary Menardo Guevarra na palawigin ang kontrol ng Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Corrections (BuCor).

Partikular na tinukoy ni Guevarra ay ang pag-review sa Republic Act 10575, batas na nagbawas ng kontrol ng DOJ sa BuCor.

“I am beginning to think that the law itself that supposedly strengthened the BuCor (and consequently diminished Department of Justice control over it) may have to be reviewed,” ayon kay Guevarra.

Sa ilalim ng naturang batas, kinikilala nito ang BuCor bilang line bureau at constituent unit ng DOJ kung saan may otoridad ang tanggapan na i-exercise ang administrative supervision nito sa bureau, liban na lamang sa pag-review, reverse, revise o i-modify ang desisyon ng BuCor sa pamamagitan ng kanilang regulatory o quasi-judicial functions.

“Since its passage, DOJ can only exercise administrative supervision over the BuCor instead of control,” paliwanag ni DOJ spokesman Undersecretary Markk Perete.

Iginiit din ni Perete na ang naturang batas din ang pinagbasehan ng legal division ng BuCor para ma-justify ang pasya ng ahensya sa pagpapalaya ng high-profile inmates sa bisa ng GCTA na walang anumang paghingi ng approval sa Secretary of Justice.

“Some form of control over BuCor may be more appropriate,” ani Perete.

Sinabi rin ni Perete na tinatandaan ng DOJ ang mga natalakay sa Senate inquiry, kung saan tatlong BuCor officials nasa detention cells na matapos silang isailalim sa contempt ng mga senador.

“Surprise may not accurately capture the sentiment evoked by what we have thus far observed, assuming of course that the allegations of the witnesses in the proceedings are true and duly proven,” sabi pa niya.

Hinihintay na lamang ng DOJ ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa ahensya para matiyak ang kanilang mga pananagutan.

Sa ngayon ay itutulak ng DOJ ang mga reporma sa BuCor tulad ng revision sa implementing rules and regulations ng batas tulad ng pag increase GCTA ng mga preso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?