238

By

DOJ ayaw tantatan si Trillanes sa biyahe abroad

Sharing is caring!

Panibagong mosyon ang isinulong ng Department of Justice (DOJ) para harangin ang pagbiyahe sa ibang bansa ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay sa pamamagitan ng mosyong isinumite sa Davao City Regional Trial Court (RTC) kung saan nakabinbin ang kasong libelo laban sa senador.

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, nakatakda nang dinigin ng Davao CIty RTC ang mosyon.

Sa nasabing mosyon, hiniling ng DOJ na magpalabas ang korte sa Davao ng hold departure order laban kay Trillanes.

Bahagi na aniya ng ‘standard operating procedure’ ng prosekusyon na hilingin sa korte na pigilan ang kanilang isinasakdal na makaalis sa bansa para sa mas mabilis na pag-usad ng kaso.

Bukod sa pagdinig ng Davao RTC bukas sa mosyon ng DOJ, diringgin din ng Makati RTC Branch 150 sa Biyernes, December 7, ang apela ng DOJ na bawiin ang unang pagpayag nito na makabiyahe patungong abroad si Trillanes dahil sa pagiging flight risk nito.

Si Trillanes ay bibiyahe patunong Europa sa December 11 hanggang January 11, 2019 at sa Amerika sa January 27, 2019 hanggang February 10, 2019.

Nauna na siyang pinayagan ng korte sa Makati kung saan nakabinbin ang kanyang kasong rebelyon na makabiyahe basta’t maglagak lamang ng P200,000 na travel bond bago bumiyahe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }