39

Mar 27, 2021 @ 16:31
By

DOJ: Awtopsiya kay Antonio Sanchez kailangang aprub ng pamilya

Inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Corrections (BuCor) sa pamilya ng nasawing rape-slay convict na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez para makapagsagawa ng awtopsiya.

Nakulong si Sanchez, 72, sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City matapos masentensiyahan ng habambuhay na pagkakulong noong 1995 sa panghahalay at pagpatay kay Aileen Sarmenta at boyfriend na si Allan Gomez taong 1993.

Sa inilabas na pahayag ng BuCor, natagpuan si Sanchez na walang malay sa kanyang selda bandang alas-7 ng umaga ngayong Sabado, Marso 27.

Walang palatandaan ng foul play sa kanyang pagkamatay, ayon kay spokesperson Gabriel Chaclag.

“Sanchez was brought to the NBP Hospital by his cellmates and was attended to by medical staff. He was declared DOA (dead on arrival) and subject for autopsy as per procedure on sudden deaths,” sabi ni Chaclag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?