38
DOJ: Pagtanggap ng regalo gawan ng panuntunan
Oct 15, 2019 @ 15:15
By

DOJ ang bahala sa kahihinatnan ni Albayalde – Palasyo

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Department of Justice (DOJ) ang pagdetermina kung mayroong criminal liability si resigned Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nakasalalay s a magiging resulta ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kung mayroong pananagutang kriminal si Albayalde mula sa pagdadawit sa kanya sa recycling ng nakumpiskang iligal na droga ng mga tinaguriang mga ninja cop.

Tungkulin aniya ng mga prosecutor ng DOJ ang pagdetermina sa probable cause ng criminal offense ng isang akusado.

“Kung mayroong probable cause. That will be determined by the prosecutor. DOJ. Either mag-recommend ang Senado for prosecution o ‘yung DILG. Bahala na ang DOJ. Hindi naman tayo ang investigator eh. Its the prosecutor who will determine the existence of a probable cause,” ani Panelo.

Matatandaang idiniin ng mga retiradong heneral si Albayalde sa imbestigasyon ng senado sa sindikato ng ninja cops kung saan ginisa ng husto ng mga mambabatas ang mga dating tauhan nito sa Central Luzon.

Sinabi naman ni Senador Richard Gordon na nais nilang masampahan ng kasong kriminal si Albayalde batay sa naging testimonya ng mga dating police general.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?