65

DOH: Walang pneumonia outbreak sa Pinas

Itinanggi ng Department on Health (DOH) na may pneumonia outbreak sa bansa.

“There is no reported outbreak. It is flu season and we urge everybody to take extra care not to get infected,” anang DOH sa Twitter.

Sa kabila nito, pinayuhan nito ang publiko na mag-ingat sa kanilang kalusugan dahil flu season ngayon.

Ang pahayag ay reaksiyon ng DOH sa maling impormasyon ng netizen na mayroon umanong epidemya ng pneumonia sa bansa dahil dalawang kaibigan nito ang namatay sa naturang sakit. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?