9

Oct 30, 2020 @ 14:38
By

DOH: Walang delikadong flu vaccine sa ‘Pinas

Siniguro ng Department of Health (DOH) na ligtas ang lahat ng influenza vaccine sa bansa kasunod ng pagpapatigil ng Singapore sa paggamit ng dalawang bakuna kung saan namatay ang mga tinurukan nito.

“We in the Philippines, we also undertake EEFI, or regular surveillance of flu vaccine and as of this time, there’s no reported EEFI with flu vaccine in the country,” Assistant to the DOH Secretary Beverly Ho.

Saad ni Ho, magpapatuloy pa rin ang national immunization program ng DOH at batid na walang nakita sa datos ng Food and Drug Administration (FDA) na nakapasok ang bakuna na binakuran sa Singapore.

Ang dalawang bakuna ay ang SKYCellflu Quadrivalent at VaxigripTetra na napaulat na nasawi ang mga nakatanggap nito sa South Korea.

“We will continue to monitor and issue warnings if ever it will be needed for future instances,” lahad pa ni Ho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?