17

Aug 23, 2020 @ 12:59

DOH: Wala kaming iniendorsong antigen test kit

Wala pang pinal o inaprubahang Omnibus Guidelines para sa COVID-19 testing.

Inihayag ito ng Department of Health (DOH) para ituwid umano ang pahayag ng isang kompanya na nagsasabing inaprubahan na ng kagawaran ang paggamit ng antigen test kit.

“The Department of Health (DOH) is issuing this statement to correct the social media post of TruLaboratories Corporation claiming that `DOH has finally approved the use of Antigen Test Kits and is now included in the Omnibus Guidelines on COVID-19 Testing,” base sa pahayag ng kagawaran na naka-post sa Facebook page nito.

Paglilinaw pa ng DOH na wala pang nilagdaan o inisyung guideline hinggil dito.

Sabi pa ng DOH, bagama’t mayroong mga antigen kit na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) para sa commercial use, ay hindi naman nag-eendorso ng DOH ng anumang brand o distributor nito.

Kasabay nito, inalerto ng DOH ang publiko at pinayuhang iberipika muna ang anumang impormasyon sa official website at social media pages ng kagawaran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?