16

Jan 12, 2021 @ 18:12
By

DOH: Wala kaming favoritism sa pagpili ng bakuna

Iginiit ng Department of Health (DOH) na wala silang pinapaborang vaccine developer.

“Ang tinitignan ng gobyerno is a portfolio of vaccines. Hindi lang isa, dalawa,” sambit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang panayam.

Nilinaw rin ni Vergeire na ang mga market price na ipinapakita ng mga vaccine developer ay hindi pinal dahil dadaan pa ito sa mga negogasyon.

“This is through negotiation. You can lower down the prices,” aniya.

Ito ay matapos maglabas ang opisina ni Senador Sonny Angara ng data noong Disyembre ng nakaraang taon na nagpapakita na nasa P3,600 per dose ang Sinovac na bakuna mula Tsina.

“Wala tayong binibigyan na preference ng mga vaccine. Kung sino ang manufacturer that can provide us with the vaccines that we need yun ang pinupursue natin,” dagdag pa ni Vergeire.

Aniya, hindi pa nila maaaring isapubliko ang presyo ng mga bakuna dahil under negotiation pa ang mga ito at konpidensyal ayon sa kanilang data agreement.

Nauna nang napabalitang Sinovac ang isa mga unang bakunang matatanggap ng Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?