15

Jan 13, 2021 @ 16:17
By

DOH todo bantay sa bagong COVID-19 variant

Regular nang magsasagawa ng genomic biosurveillance ang Department of Health (DOH) upang mabantayan ang bagong COVID-19 variant.

“Inuumpisahan na po natin itong tinatawag na genomic biosurveillance kung saan linggo-linggo na po tayo mangongolekta ng specimens sa ating mga sektor na vulnerable at identified to be at risk para makita natin kung talagang may nagde-develop na mga variant dito sa ating bansa,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing nitong Miyerkoles.

Pinaniniwalaang mas nakahahawa ang United Kingdom variant ng COVID-19 kumpara sa orihinal.

Sa ngayon ay wala pang nagpopositibo sa bagong variant sa latest batch ng samples na sinuri ng Philippine Genome Center.

Ilalabas naman ang resulta ng bagong batch ng samples nitong linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?