106

Apr 13, 2020 @ 19:46
By

DOH tinanggi na pinagbawalan si Angel Locsin na mag-donate ng misting tent

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nito pinagbawalan si Angel Locsin sa pagdo-donate ng mga misting tent, at tinanggal umano ang mga donasyon nito sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa posibleng magdala ng panganib sa mga tao.

“Ito pong misting tents sa PGH ay binigay po through the donation ni Ms. Angel Locsin… she was not prohibited from making donations of misting tents by DOH, hindi po siya pinagbawalan, contrary po sa lumalabas ngayon,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Tinanggal umano ang mga misting tent na binigay ng aktres sa PGH dahil sa kautusan ng DOH laban sa paggamit ng mga misting at spraying ng disinfectant.

Una nang nagbabala ang DOH sa paggamit ng spraying o misting disinfectant dahil wala umanong ebidensya na mapapatay nito ang virus. Posible rin umano na maikalat nito ang mga pathogen at pwede ring magdulot ng skin irritation at pagkalanghap ng mga kemikal.

Pinaliwanag pa ng DOH na nagagamit pa rin umano ang mga misting tent ng mga healthcare worker na nakasuot ng personal protective equipment.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang DOH kay Locsin tungkol sa mga misting tent. Sinabi rin nito na sumunod sa mga protocol ang aktres sa pagdo-donate ng mga equipment o supply.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?