53

Jan 4, 2022 @ 13:33
By

DOH: Suplay ng paracetamol sapat

Nilinaw ng Department of Health (DOH) ngayong Martes na walang nagaganap na kakapusan sa suplay ng paracetamol at iba pang gamot pang-lagnat sa bansa.

Ayon sa DOH, kinonsulta nila ang mga malalaking manufacturer at supplier ng gamot sa Pilipinas kaya’t sigurado umano sila na sapat ang suplay ng mga nasabing gamot sa merkado.

“The DOH would like to assure the public that while there is an observed increased demand for such products, there is no ongoing shortage in the Philippines,” pahayag ng DOH.

“Paracetamol has many generic alternatives in the market, which are available in many drug stores nationwide. We are constantly monitoring the status of supply of critical medicines for COVID-19 including supportive medicines for symptomatic treatment,” dagdag pa ng ahensya.

Lumobo ang demand para sa paracetamol at iba pang gamot pang-trangkaso dahil sa dami ng nagkasakit sa pagpasok ng 2022, na mapapansin din sa social media lalo pa’t trending ngayong Martes sa Twitter ang ‘Biogesic,” isang paracetamol brand.

Gayundin, nakiusap ang DOH sa publiko na iwasan ang panic-buying, hoarding o pagbili ng paracetamol kahit ‘di naman kailangan. (mjd)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?