174

By

DOH spokesman Lyndon Lee Suy, pumanaw na

Yumao nitong Sabado ang isang opisyal ng Department of Health (DOH) na si Assistant Secretary Dr. Lyndon Lee Suy.

Ayon sa report, namatay nitong umaga si Suy sa edad na 55.

Cardiac arrest umano ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing opisyal.

Si Suy ang nagsisilbing tagapagsalita ng DOH. Kabilang din siya sa mga isinasangkot sa pabili ng Dengvaxia vaccines noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Samantala, wala pang ibang detalye na inilabas tungkol sa pagpanaw ng DOH official.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?