231

By

DOH Secretary ni Duterte, nasangkot sa katiwalian sa PhilHealth – Lacson

Binalikan ni Senador Panfilo Lacson ang nangyari noong 2004 sa PhilHealth kung saan hinihingi ng ilang politiko ang pag-disqualify ni Gloria Macapagal-Arroyo sa pagka-Pangulo dahil sa PhilHealth mess.

Ayon kay Lacson, sangkot ang ngayong Health Secretary ng administrasyong Duterte sa paggamit ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) fund na nagkakahalaga ng abot P500M para ipambili ng mga PhilHealth card noong 2004.

Ang PhilHealth president noon ay si Francisco Duque, na ngayon ay kalihim na sa DOH.

Sa nasabing pangyayari, pinayagan ni Arroyo ang paggamit sa funds ng OWWA na P530M para sa PhilHealth, noong palitan nito si Erap at tumakbo sa pagka-Pangulo noong 2004.

Marami ang kumontra dito, ngunit noong 2012 ay dinismis ng Ombudsman ang mga kaso kay Arroyo ukol sa fund transfer dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?