By

DOH sa publiko: Magtiwala sa vaccination program ng gobyerno

Sharing is caring!

Sa kabila ng pagkabahalang idinulot ng bakuna kontra dengue, umapela si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque sa publiko na magtiwala pa rin sa pangkalahatang immunization program ng gobyerno.

Ayon kay Duque, nakapagliligtas pa rin ng mga buhay ang mga bakunang iniaalok ng pamahalaan.

Ito umano ay napatunayan na sa loob ng ilang dekada.

“Ang immunization program ay mahalaga sapagkat napatunayan na ilang dekada, na ang bakuna ay talagang nakakapagligtas. Inililigtas ang mga bata at sanggol mula sa vaccine-preventable diseases,” saad ni Duque.

Giit ng kalihim, ang kinasangkutang kontrobersya ng Dengvaxia ay hindi dapat maging dahilan para mawalan ng kumpyansa ang mamamayan sa bisa ng pangkalahatang immunization program ng DOH.

Kasabay nito, tiniyak din ni Duque na magiging transparent ang kagawaran sa pinakahuling mga impormasyon tungkol sa Dengvaxia.

Nauna nang ipinahinto ng DOH ang anti-dengue immunization program makaraang aminin ng Sanofi pharmaceuticals na ang bakuna na Dengvaxia ay maaring makapagdulot ng malalang karamdaman para sa mga hindi pa tinatamaan ng dengue. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?