90
basura
By

DOH sa publiko: Maging responsable sa pagtatapon ng basura

Sharing is caring!

HINIKAYAT ng Department of Health ang publiko na huwag magtapon ng basura sa dagat upang maiwasan na makakain ng microplastic ang mga isda at iba pang lamang-dagat.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, malaking epekto sa kalusugan ng tao kapag nakakain ng mga isda ang micro plastic na siya rin namang kinakain ng mga tao na posibleng magdulot ng ibat-ibang karamdaman o sakit.

Paliwanag ni Duque, mahalaga ang pagiging responsable sa pagtatapon ng basta dahil base sa pag -aaral kabilang ang Pilipinas sa limang mga bansa sa Asya ang pinakamaraming naiambag sa pagtatapon ng mga basura sa karagatan.

Giit ng kalihim, kapag hindi nadisiplina ang tao sa pagtatapon ng mga basura pagsapit ng 2030 posibleng marami na ang makakaranas ng mga ibat-ibang klaseng sakit dahil sa polusyon sa karagatan na siyang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?