45

Jan 4, 2022 @ 21:53
By

DOH sa paracetamol ‘out of stock’: Bumili ng generic

Nakipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa malalaking botika at local manufacturer matapos makita ang pagtaas ng demand ng mga over-the-counter drug na may kinalaman sa lagnat at trangkaso, at ilan sa mga karaniwang sintomas ng COVID-19.

Iginiit ng DOH na mayroon lamang shortage ng mga branded paracetamol at hinimok ang publiko na ikonsidera ang pagbili ng generic drug.

“Paracetamol has many generic alternatives in the market, which are available in many drugstores nationwide,” pahayag ng DOH.

Ani Generika President at CEO Josette Abarca, mayroon silang sapat na gamot na katumbas ng mga branded na paracetamol.

Tiniyak din ng Generika Drugstore na ang branded at generic drug ay may parehong bisa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?