7

Oct 17, 2020 @ 20:26
By

DOH: Quarantine fatigue labanan

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na magkaroon ng coping mechanism kapag nakaranas ng “quarantine fatigue” dahil sa coronavirus disease pandemic.

Sa Laging Handa press briefing nitong Sabado, sinabi ni DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire ang mga sintomas ng quarantine fatigue.

“People feel reckless, people feel anxious, they’re irritable, meron po silang social withdrawal. Meron pong mga loss of motivation because of reduced productivity,” saad ni Vergeire.

“Ito po ‘yung mga nakikita nating mga senyales and we just advise people na kailangan lang po talaga that we will have that coping mechanism,” dagdag niya.

Dapat daw dalasan ang pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan at mahal sa buhay para malabanan ang quarantine fatigue.

“Stay connected, ‘di naman kailangan lumabas para maging connected. You can use your social media to do that,” sabi ng DOH official.

“Always call your friends, your loved ones, and of course kailangan din po na may iba po tayong pinagkakalibangan,” wika niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?